Archive for PILIPINO ako.

Nang dahil kay Bob Ong.

Maganda ang araw na ‘to. Masasabing “sakto lang”.

Hinintay niya si Dora sa terminal ng mga 30 minutes, init na init na siya, pinawisan na siya. Haggard. Pagbaba ng Shell, dumeretso sila ni Dora sa CR dun, as usual. Nagpalit ng heels, inayos ang pagod na itsura, nag-powder, nag-powder ulit, at nag-powder na naman. Dahil late na si Dora ay nauna na siyang pumasok sa APC. Habang ang isa naman ay nasa CR pa rin, tumingin sa salamin, inayos ang blouse, at inayos itong muli. Maya maya heto na si Ate. Himala. Nagulat siya. Hindi siya sinimangutan nito, binigyan pa siya ng dalawang promo tabs mula sa kainan ng bayan, ang Jolibee. First time ata yun na hindi nanlisik ang mga mata ni Ate sa pagtingin sa kanya dahil sa katagalan niya sa loob.

Pagpasok sa APC…

Una niyang nakita sa caf ang magkasintahang Robby at Melai. Masaya sila. Sige na, sila na ang sweet. Pumunta siya sa bilihan ng school supplies para ibili ng index card si Dora. Nakita niya si Jessa, emo mode ito sa isang lamesa. Sinamahan niya ito. Nakipagkwentuhan siya. Nakipagtawanan. Maya maya, dumating si Sarah. Medyo na-OP si Jessa. Dumating si Melai at Ilonah. Lalong na-OP si Jessa. Umakyat silang lahat, nakita si Dora. Binigay niya ang index card kay Dora. Bumaba ulit. Tumambay sila sa caf. Napagtanto nilang magti-time na. Umakyat na sila.

PUBSPE1…

Nagagandahan pa rin siya kay Miss Grace. Excited siya. Ito ang pinakagusto niyang subject sa lahat. Oo, mas gusto pa niya ‘to kesa sa MAJORS. May diagnostic test daw, siyempre, ORAL. Isa isa silang tinawag sa harap para magbasa ng maikling passage. Si Miss lang daw ang makikinig. Pwede mag-ingay at makipagtsismisan sa blockmates ang iba. Nagbasa muna siya ng Kapitan Sino mula kay Dora. Nagbasa. Nagbasa. Nagbasa. Di nakatiis. Sumali  na rin sa tsismisan. Nakarating pa siya sa kabilang dulo. Tsismisan. Tawanan. Tawanan pa ulit. “Okay..Tin.” sabi ni Miss Grace. Siya na ang babasa sa harap. Hilig niyang magbasa sa harap ng ibang tao kaya okay lang. Binasa niya ito. Mukang natuwa naman si Miss Grace. Natuwa din siya. Bumalik na siya sa upuan. Tsismisan ulit. Maya maya, tapos na lahat. Tumahimik na muli ang klase. Nagsalita ng konti si Miss. Pinabasa sa kanya muli sa buong klase ang maikling passage. Nabulol siya ng konti ngayon dahil na-conscious. Inaasar siya ng blockmates. Inaasar. Inaasar. Nawala siya. Huminto. Natawa na rin. Pero natapos naman ng maayos. Ayun. Okay na din. Nagsalita ulit ng konti si Miss. Maya-maya nag-goodbye na rin. Tapos na ang klase. Lunch na.

Lunch…

Siyempre, muli siyang dumeretso sa CR sa sixth floor kasama ang CR buddies. Nagsuklay. Nagpowder. Nag-ayos. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Matagal din. Bumaba sa first floor para magpasa ng form para sa locker. Umakyat sa second floor dahil doon na daw magpapasa.  Nakapagpasa na. May locker na siya. Umakyat sa sixth floor para ilagay ang ilang pabigat na gamit sa bag sa locker. Hindi alam kung saan sila pupunta ng kasamang si Juju. Napagdesisyunang bumaba sa first floor para sa book fair. Sa bookfair… Maraming libro. Bookfair nga eh. Nalula sa presyo ng mga librong required siyang bilihin. 700 ata ang pinakamura. May nakita siyang di kanais-nais. Umalis dahil allergic siya sa mga taong panira ng araw. Nagugutom daw ang kasamang si Juju. Nagugutom din siya. Inisip kung kakain ba siya. Naalalang on diet nga pala siya. Sinamahan na lang si Juju na kumain sa Jollibee habang naka-earphones at nagbabasa. Nakita niya si secret crush sa labas. Natuwa. Natapos na rin si Juju. Lumabas ng Jollibee(dumaan muna sa CR sa Select, syempre) at pumunta sa susunod na klase.

TECWRIT1…

Marami pang wala. Maya maya dumating si Miss *apelyido niya*. Marami pa ring wala. Nagsalita ng konti si Miss. Dumating na ang mga wala. Nagsimula na ang klase. Nagdiscuss si Miss. Maya maya, may activity daw. ORIGAMI–pagsunod daw kasi sa instructions ang pinaka-kailangan sa TECWRIT1.  Goodluck sa kamay niyang magaling. Nagawa naman niya ang FROG sa tulong ni Kuya sa likod. Salamat sa kanya. Maya maya, meron pa. Groupwork naman. Origami pa rin. Mas mahirap. KOALA naman at BUNNY. Mabuti na lang at groupwork iyon. Nagawa naman nila. Ayun. Tapos na ang groupwork. Natapos na rin ang klase. Nag-goodbye na si Miss.

Pagkatapos ng TECWRIT1…

Alam mo na? NagCR siyang muli kasama ang CR buddies. Nag-ayos. Nag-pee. Nag-ayos ulit. Nalamang walang TRIGANA. Masaya. Masaya talaga. Tumambay lang sa room. Bumaba rin maya maya sa caf. Kwentuhan. Tsismisan. Tawanan. 3:30 na. Umakyat na sila papuntang 5th floor para sa OPESYS. WALANG klase ulit. Masaya. Maagang uuwi. Nagready na siya para umuwi. Alam mo na ulit? CR. Saan pa ba? Natapos nang magCR. Okay na siya. Nag-shuttle sila. Tawanan. Maganda ang topic–si Aling Dionisia. Nakatutuwa. Halakhak. Halakhak. Halakhak. Nasa Magallanes na. Bye bye na.

Sumakay ng jeep papuntang Alabang. Binagtas ang mahabang daan palayo sa magulong Makati patungo sa mas magulong Alabang….

“Para po…” aniya, nasa tapat na siya ng gate.

Diyan nagtatapos ang unang lunes ng eskwela.

♦ ♦ ♦

Kapitan Sino.

Leave a comment »

malayang pagkukuro.

Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

- Bob Ong

Dahil ika-labing dalawa ng Hunyo kahapon, taong dalawang libo’t siyam,  ika-isang daan at labing-isang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, naisipan kong sumulat sa wikang Tagalog. Oo nga, kahapon pa yun. Eh ano naman? Ngayon ko lang naisip to eh. Walang mangingialam.  :]

Ngayon, anung koneksyon ng sinabi ni Bob Ong? Malaki–malaki ang koneksyon ng sinabi niya sa nararamdaman ko sa kasalukuyan.

Kaninang umaga, pagtingin ko sa aking telepono ay nabasa ko ang teks na iyon[yung sinabi ni Bob Ong] mula sa isang kaibigan. Naisip ko na TAMA, tama talaga. Praktikal lang na gawin ‘yon. Naisip ko rin na sana noon ko pa nabasa ang mga iyon nang mas maaga kong nalaman–napagnilay-nilayan ang mapait na katotohanan.  Mahirap nga talagang magpadalus-dalos sa mga bagay bagay. Hindi ako “mapait” dahil hindi naman dapat. Hindi ako galit sa kahit kanino. Hindi rin ako nasasaktan. Naiinis lang ako sa sarili ko. Nakalimutan ko atang gamitin ang utak ko. Hindi ako “ganun lang”. Mali. Sobra.

Kung noon ko pa nabasa ay hindi ko sana nadarama ang ganitong inis sa aking sariling katauhan. Noon pa sana nabuksan ang mga mata ko sa mas maliwanag pa sa araw na katotohanan. Hindi ko sana naranasang magkaroon ng isang talusirang naglangkap ng makamandag na kasiphayuan. Hanep!

Gayunpaman, tapos na. [Mali pala, hindi natapos, dahil wala namang nasimulan.] Umusad ka na. Magpatuloy sa magulo at mapaglarong agos ng buhay.

Mabuhay ka Bob Ong!  MABUHAY ANG PILIPINAS!

♦ ♦ ♦

AKO MISMOhindi ako nakapunta kahapon. :[


Leave a comment »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.